image lifted from victoria.olx.com.ph |
Ganito din ang pakiramdam nating lahat kahit nasan tayo. Pag nasa pila tayo sa mga serbisyong handog ng gobyerno at mabagal ang pila, ilan satin ang magrereklamo at paulit ulit na sasambiting nagbabayad tayo ng tamang buwis. Ganun din naman sa mga restawran; nagbabayad ako, bakit ganito ang trato n'yo sakin? espesyal ako!
E naisip mo na bang lahat ng ibang kasama mo sa pila, pati na 'yung mga nangangasiwa ng pila ay nagbabayad din ng buwis? Pano 'yung ibang kasama mong kumakain ng payapa, na nagbayad ng perang pinaghirapan din nila tulad mo, na gusto lamang ay kumain ng payapa at masarap?
Hindi naman ako nagmamaneho mula ng pinanganak ako, at malaking bahagi ng buhay ko ang naigugol ko sa loob ng mga pampublikong sasakyan, at lalong marami pa ang iginugol ko sa pagtayo sa sakayan ng bus, pila ng jeep o FX. Minsan din naging bahagi ako ng "special" na lupon. Sino ba itong mga Special na tao na ito?
image lifted from Rappler.com |
Sa unang bahagi ng taon na ito, pinasinayaan ng MMDA ang Southwestern Integrated Bus Terminal, o in short, ang parking lot ng nabubulok at punong puno ng kaso at malisyang Coastal Mall sa Paranaque. Sa unang araw ng pagpapatakbo nito, nagkaron ng malaking kaguluhan sa kanto ng Airport Road at Roxas Boulevard dahil ang mga byahe ng bus na mula ng Cavite na dati'y nakakatuloy sa Lawton sa Maynila, at napuputol na ang linya sa Coastal Mall. Mula doon, ang mga kababayan nating kabitenyo na papunta sa kanilang mga trabaho't paaralan ay kailangan nang sumakay ng isa pang beses patungo sa paroroonan nila. Sa totoo'y walang kaso ang sistemang ito in theory, pero lumabas ang problema sa application nito, nang makitang hindi gingulan ng pag-a-aral ang implementasyon nito. Pero ok lang, sanay na ang mga tao ngayon, hindi ba?
image lifted from azraelsmerryland.blogspot.com |
Ayun. Unahan. Ang pinakamahalagang skill na matutunan mo sa pagiging commuter sa kalakhang maynila: Kailangan magaling ka manguna sa pagsakay. Hahabol ka ng bus, ng jeep, ng FX. Kailangan may strategy ka kung pano mong mauunahan yung aleng kanina pang nakatayo sa tabi mo at maraming dala, kasi pag naunhan ka niya, ikaw naman ang hindi makakauwi ng maaga. Bakit? Special ka kasi. Pakelam mo ba sa sakanya?
At diyan po nag-u-ugat ang lahat. Sa ingles, pwede natin itong tawaging apathy, isang kundisyon ng pagiisip kung saan wala tayong ibang iniisip kundi ang sarili nating kapakanan, at wala na tayong pakialam pa sa ibang bagay.
Ito ang iba't ibang panig ng isang tipikal na pag-para ng isang sasakyan sa kalsada:
1. Mula sa pananaw ng pasahero.
Ano nga ba naman ang pakialam ko sa ilang sasakyang hihinto sa likod ng bus na pinara ko? Sasakay ako e. Mabilis lang naman akong sasampa sa bus na ito, at makakaalis na ito agad at aandar na ang trapik.
2. Mula sa pananaw ng limampung iba pang pasahero.
Ano nga ba naman ang pakialam ko sa ilang sasakyang hihinto sa likod ng bus na pinara ko? Sasakay ako e. Mabilis lang naman akong sasampa sa bus na ito, at makakaalis na ito agad at aandar na ang trapik.
3. Mula sa pananaw ng konduktor.
Quiapo, Quiapo, Quiapo! Kita, kita, kita!
4. Mula sa pananaw ng bus driver (A)
Hihinto lang naman ako sandali para magsakay ng pasahero. Masyadong malaki itong sasakyan ko kaya hindi ko maigigilid ng maayos, bukod pa dun, baka makasagi ako ng tao. Wala akong ibabayad sakanila pag nagawa ko yun. Sandali lang naman akong hahambalang e. Atsaka baka maunahan ako ng mga kakumpitensya kong bus.
5. Mula sa pananaw ng bus driver (B)
Tangna niyong lahat, naghahanap buhay ako ng marangal.
6. Sa pananaw ng traffic enforcer (A)
Gago to a, kung makahinto, akala mo kanya ang kalsada. Huy! *pito sa silvato* Ay, andami palang tao. Kawawa naman sila. O baka naman kaya pag nagmatigas ako sakanila magalit sila sakin at kuyugin ako. Sige, hayaan ko nalang sila. Kung ako naman ang nasa sitwasyon nila gugustuhin ko ding makasakay agad e.
7. Sa pananaw ng traffic enforcer (B)
Loko to a, di pa 'to nagbibigay ngayong araw sakin a. Hoy! *pito sa slivato* Konduktor! Lika dito! *tahimik na usapan sa gilid ng bus para walang makakita at makakuha ng litrato*
8. Sa pananaw ng drayber ng sasakyang nasa likuran ng bus
PUTANGINAAAAA! *busina ng malakas at mahaba*
9. Sa pananaw ng pasyente sa ambulansyang naiipit sa likod ng trapik na ginawa ng bus.
*Nagfflashback na ang buong buhay nya*
Kung sumakay ka, bababa ka din. At kadalasan, isa rin ito sa mga sanhi ng trapik. Isa ito sa mga kulturang pinoy na kaakibat na ng sagisag nating Jeepney.
Ang prangkisa ng karamihan sa mga Jeepney na bumabyahe sa mga lansangan ng Metro Manila ngayon ay pang-maiikling distansya lamang. Ang tawag dito ay secondary mode of transporation, sa pagitan ng primary, o yung mga mahahaba ang byahe katulad ng mga Tren at Bus, at mga tertiary o yung mga specific locations ang binabyahehan, tulad ng mga Padyak at Tricycle. Ang konsepto ng transportasyon natin sa Pilipinas ay ganito: sasakay ka ng tertiary mode papunta sa secondary, papunta sa primary, na ibaba ka naman sa secondary, na ibababa ka sa tertiary. Kaiba ito sa mga transport system ng mga karatig bansa natin kung saan puros primary lang ang mayroon, pero naseserbisyohan ang halos lahat ng lansangan. Pagbaba mo, maglalakad ka.
Ang mga primary at secondary modes of transportation ay may nakatalagang babaan at sakayan, tulad ng mga waiting shed at mga transport terminal tulad nalang ng mga nasa mall. Pero dahil nga special tayo, iba-bypass nating lahat ito at kakalimutan ang mga loading at unloading zone. Bababa ako sa harapan ng tindahan ni Mang Kanor, kaya dun ako papara eksakto. Wala akong pakialam kung ang kalsadang dinadaanan ng Jeep na ito ay dalawang lane lang, isa para sa bawat direksyon; ang importante, bababa ako sa pupuntahan ko at hindi na 'ko maglalakad. Special ako e. Yan din ang dahilan kung bakit ang mga waiting shed natin sa kalsada ay punong puno lang ng mga naglalako ng kung ano ano, o di kaya naman ay playground ng mga bata. Sa EspaƱa sa Sampaloc sa Maynila, ginagawa din itong garahe ng mga motorsiklo at Tricycle.
image lifted from pinoyexchange.com |
Oo nga pala, yung isang lane na dumadaloy? Humihinto pa 'yun pag may bus na lalabas at lalarga na, kasi sasakupin nya yung umaandar na pila para makaalis.
So paano natin babaguhin ito? Simple lang naman, at simula't sapul tinuturo na ito sa atin ng MMDA at ng mga lokal na pamahalaan. Gumamit kasi tayo ng bus stop at terminal. Ilang Loading-Unloading bay na ba ang ipinagawa ni Bayani Fernando sa EDSA? Ilang Rapid Bust Transit na ang ipinatupad ng MMDA mula pa sa panahon ng MMDA ni Fidel Ramos nung 90s? Ilang color coding, number coding, at kung ano ano pang solusyon ang naisip ng mga pinuno natin para lang ma-isaayos ang mga lansangan ng Metro Manila? Kung tutuusin lahat ng pinatupad na ganito ay mabisa, subalit ang nagiging problema nalang natin ay ang mismong mga dapat sumunod dito... kasi ayaw nilang sumunod.
Bakit nga ba sa Business District ng Republic of Makati e maayos ang transport system kahit paano? Minimal pa ang infrastructure na ipinagawa nila para dyan ha. Pero sumusunod ang mga tao. Gayun din naman sa bayan ng Olongapo sa Zambales. Political will lang ba ang solusyon dito? Hindi.
image lifted from ourawesomepanet.com |
--
Di ka pa ba nagsasawa sa trapik?
Wag kalimutang i-follow kami sa twitter: http://twitter.com/BakitTrapik
at i-like ang Facebook page: http://facebook.com/bakittrapik
pagusapan natin, dahil kung sama sama tayo sa isang layunin, kakayanin natin!