Thursday, November 28, 2013

Kasi Para Kang Buko Pie.

Maraming bagay na espesyal sa mundo. Actually, bata palang tayong lahat, pinapaalala na sa atin ng lahat ng nasa paligid natin na espesyal tayo. Kaya naman kapag bumyahe ka sa katimugang tagalog, lahat ng Buko Pie, ay special.
image lifted from victoria.olx.com.ph
So ano nalang ang regular na buko pie?

Ganito din ang pakiramdam nating lahat kahit nasan tayo. Pag nasa pila tayo sa mga serbisyong handog ng gobyerno at mabagal ang pila, ilan satin ang magrereklamo at paulit ulit na sasambiting nagbabayad tayo ng tamang buwis. Ganun din naman sa mga restawran; nagbabayad ako, bakit ganito ang trato n'yo sakin? espesyal ako!

E naisip mo na bang lahat ng ibang kasama mo sa pila, pati na 'yung mga nangangasiwa ng pila ay nagbabayad din ng buwis? Pano 'yung ibang kasama mong kumakain ng payapa, na nagbayad ng perang pinaghirapan din nila tulad mo, na gusto lamang ay kumain ng payapa at masarap?

Hindi naman ako nagmamaneho mula ng pinanganak ako, at malaking bahagi ng buhay ko ang naigugol ko sa loob ng mga pampublikong sasakyan, at lalong marami pa ang iginugol ko sa pagtayo sa sakayan ng bus, pila ng jeep o FX. Minsan din naging bahagi ako ng "special" na lupon. Sino ba itong mga Special na tao na ito?

image lifted from Rappler.com 
Sila yung mga naghihintay ng sasakyan sa isang lugar na hindi dapat hintuan ng kahit anong sasakyan dahil gumagawa ito ng trapik Kadalasan ang mga lugar na tinatambayan ng mga Special na tao para maghintay ng masasakyan ay ang mga kanto; isa na sa mga pinakamalaking ganito ang crossing ng Airport Road, Roxas Boulevard, at Coastal Road, kung saan hindi nawawalan ng taong nakatayo na nagaabang ng bus sa pangatlong lane ng kalsada.

Sa unang bahagi ng taon na ito, pinasinayaan ng MMDA ang Southwestern Integrated Bus Terminal, o in short, ang parking lot ng nabubulok at punong puno ng kaso at malisyang Coastal Mall sa Paranaque. Sa unang araw ng pagpapatakbo nito, nagkaron ng malaking kaguluhan sa kanto ng Airport Road at Roxas Boulevard dahil ang mga byahe ng bus na mula ng Cavite na dati'y nakakatuloy sa Lawton sa Maynila, at napuputol na ang linya sa Coastal Mall. Mula doon, ang mga kababayan nating kabitenyo na papunta sa kanilang mga trabaho't paaralan ay kailangan nang sumakay ng isa pang beses patungo sa paroroonan nila. Sa totoo'y walang kaso ang sistemang ito in theory, pero lumabas ang problema sa application nito, nang makitang hindi gingulan ng pag-a-aral ang implementasyon nito. Pero ok lang, sanay na ang mga tao ngayon, hindi ba?

image lifted from azraelsmerryland.blogspot.com
So ano yung naging kaguluhan? Tumawid ang mga tao mula sa Coastal mall, at sa kabilang dako ng Roxas Boulevard nag-abang ng kahit anong sasakyan na patuloy ang byahe papuntang Maynila, o Makati -- Jeep, FX, Pedicab, kahit ano. Mabilis na lumapad ang nasasakupan ng walang masakyan, na naghihintay sa gitna ng kalsada. Kinalauna'y nakain na nila ang tatlong lane ng Roxas Boulevard, at nagdudulot na ito ng trapik. Unahan kasi ang sistema sa ganito.

Ayun. Unahan. Ang pinakamahalagang skill na matutunan mo sa pagiging commuter sa kalakhang maynila: Kailangan magaling ka manguna sa pagsakay. Hahabol ka ng bus, ng jeep, ng FX. Kailangan may strategy ka kung pano mong mauunahan yung aleng kanina pang nakatayo sa tabi mo at maraming dala, kasi pag naunhan ka niya, ikaw naman ang hindi makakauwi ng maaga. Bakit? Special ka kasi. Pakelam mo ba sa sakanya?

At diyan po nag-u-ugat ang lahat. Sa ingles, pwede natin itong tawaging apathy, isang kundisyon ng pagiisip kung saan wala tayong ibang iniisip kundi ang sarili nating kapakanan, at wala na tayong pakialam pa sa ibang bagay.

Ito ang iba't ibang panig ng isang tipikal na pag-para ng isang sasakyan sa kalsada:

1. Mula sa pananaw ng pasahero.
Ano nga ba naman ang pakialam ko sa ilang sasakyang hihinto sa likod ng bus na pinara ko? Sasakay ako e. Mabilis lang naman akong sasampa sa bus na ito, at makakaalis na ito agad at aandar na ang trapik.

2. Mula sa pananaw ng limampung iba pang pasahero.
Ano nga ba naman ang pakialam ko sa ilang sasakyang hihinto sa likod ng bus na pinara ko? Sasakay ako e. Mabilis lang naman akong sasampa sa bus na ito, at makakaalis na ito agad at aandar na ang trapik.

3. Mula sa pananaw ng konduktor. 
Quiapo, Quiapo, Quiapo! Kita, kita, kita!

4. Mula sa pananaw ng bus driver (A)
Hihinto lang naman ako sandali para magsakay ng pasahero. Masyadong malaki itong sasakyan ko kaya hindi ko maigigilid ng maayos, bukod pa dun, baka makasagi ako ng tao. Wala akong ibabayad sakanila pag nagawa ko yun. Sandali lang naman akong hahambalang e. Atsaka baka maunahan ako ng mga kakumpitensya kong bus.

5. Mula sa pananaw ng bus driver (B)
Tangna niyong lahat, naghahanap buhay ako ng marangal.

6. Sa pananaw ng traffic enforcer (A)
Gago to a, kung makahinto, akala mo kanya ang kalsada. Huy! *pito sa silvato* Ay, andami palang tao. Kawawa naman sila. O baka naman kaya pag nagmatigas ako sakanila magalit sila sakin at kuyugin ako. Sige, hayaan ko nalang sila. Kung ako naman ang nasa sitwasyon nila gugustuhin ko ding makasakay agad e.

7. Sa pananaw ng traffic enforcer (B)
Loko to a, di pa 'to nagbibigay ngayong araw sakin a. Hoy! *pito sa slivato* Konduktor! Lika dito! *tahimik na usapan sa gilid ng bus para walang makakita at makakuha ng litrato*

8. Sa pananaw ng drayber ng sasakyang nasa likuran ng bus
PUTANGINAAAAA! *busina ng malakas at mahaba*

9. Sa pananaw ng pasyente sa ambulansyang naiipit sa likod ng trapik na ginawa ng bus.
*Nagfflashback na ang buong buhay nya*

Kung sumakay ka, bababa ka din. At kadalasan, isa rin ito sa mga sanhi ng trapik. Isa ito sa mga kulturang pinoy na kaakibat na ng sagisag nating Jeepney.

Ang prangkisa ng karamihan sa mga Jeepney na bumabyahe sa mga lansangan ng Metro Manila ngayon ay pang-maiikling distansya lamang. Ang tawag dito ay secondary mode of transporation, sa pagitan ng primary, o yung mga mahahaba ang byahe katulad ng mga Tren at Bus, at mga tertiary o yung mga specific locations ang binabyahehan, tulad ng mga Padyak at Tricycle. Ang konsepto ng transportasyon natin sa Pilipinas ay ganito: sasakay ka ng tertiary mode papunta sa secondary, papunta sa primary, na ibaba ka naman sa secondary, na ibababa ka sa tertiary. Kaiba ito sa mga transport system ng mga karatig bansa natin kung saan puros primary lang ang mayroon, pero naseserbisyohan ang halos lahat ng lansangan. Pagbaba mo, maglalakad ka.

Ang mga primary at secondary modes of transportation ay may nakatalagang babaan at sakayan, tulad ng mga waiting shed at mga transport terminal tulad nalang ng mga nasa mall. Pero dahil nga special tayo, iba-bypass nating lahat ito at kakalimutan ang mga loading at unloading zone. Bababa ako sa harapan ng tindahan ni Mang Kanor, kaya dun ako papara eksakto. Wala akong pakialam kung ang kalsadang dinadaanan ng Jeep na ito ay dalawang lane lang, isa para sa bawat direksyon; ang importante, bababa ako sa pupuntahan ko at hindi na 'ko maglalakad. Special ako e. Yan din ang dahilan kung bakit ang mga waiting shed natin sa kalsada ay punong puno lang ng mga naglalako ng kung ano ano, o di kaya naman ay playground ng mga bata. Sa EspaƱa sa Sampaloc sa Maynila, ginagawa din itong garahe ng mga motorsiklo at Tricycle.

image lifted from pinoyexchange.com
Sabihin na din nating ginamit natin ang mga tamang lugar ng paghihintay ng sasakyan. Gaano ka naman kasiguro na yung drayber ng sasakyan mo ay hindi Special? Isipin mo nalang ito: sa Quiapo, sa Maynila, malawak ang kalsada. Dinesenyo ang Quezon Boulevard (oo, sa mga hindi nakakaalam, ito ang pangalan ng kalsadang iyon) mula sa kanto ng Lerma hanggang sa Panahan ng Quezon Bridge para sa apat na tatlong lane na dumadaloy at isang lane para paghinto ng mga sasakyhang pampubliko, alintana na ngang isa itong major hub sa kalkhang Maynila. Pero kadalasan, baligtad ang nagaganap; isang lane lang ang dumadaloy, at tatlong lane sa kanan ang puno ng mga nakahimpil na bus, jeep, FX, padyak, kuliglig at tricycle. Special kasi sila at naghahanap buhay sila ng marangal, kaya hindi mo dapat pigilan ang pag-istambay nila dun upang makalikom ng tamang dami ng mga pasahero para kumita. Sa kabilang banda, hindi rin naman maglalakad ng malayo ang mga pasahero para makasakay, kasi... special kami, at nakakatamad.

Oo nga pala, yung isang lane na dumadaloy? Humihinto pa 'yun pag may bus na lalabas at lalarga na, kasi sasakupin nya yung umaandar na pila para makaalis.

So paano natin babaguhin ito? Simple lang naman, at simula't sapul tinuturo na ito sa atin ng MMDA at ng mga lokal na pamahalaan. Gumamit kasi tayo ng bus stop at terminal. Ilang Loading-Unloading bay na ba ang ipinagawa ni Bayani Fernando sa EDSA? Ilang Rapid Bust Transit na ang ipinatupad ng MMDA mula pa sa panahon ng MMDA ni Fidel Ramos nung 90s? Ilang color coding, number coding, at kung ano ano pang solusyon ang naisip ng mga pinuno natin para lang ma-isaayos ang mga lansangan ng Metro Manila? Kung tutuusin lahat ng pinatupad na ganito ay mabisa, subalit ang nagiging problema nalang natin ay ang mismong mga dapat sumunod dito... kasi ayaw nilang sumunod.

Bakit nga ba sa Business District ng Republic of Makati e maayos ang transport system kahit paano? Minimal pa ang infrastructure na ipinagawa nila para dyan ha. Pero sumusunod ang mga tao. Gayun din naman sa bayan ng Olongapo sa Zambales. Political will lang ba ang solusyon dito? Hindi.

image lifted from ourawesomepanet.com
Special kasi tayo. Kailangan nating makarating agad sa pupuntahan natin, at dapat maintindihan ito ng lahat ng tao. Ang kaso mo nga, pare-pareho din tayo ng iniisip. Kaya ang resulta, gulo. So anong pinagkaiba natin sa Special na Buko Pie?

--

Di ka pa ba nagsasawa sa trapik?
Wag kalimutang i-follow kami sa twitter: http://twitter.com/BakitTrapik
at i-like ang Facebook page: http://facebook.com/bakittrapik
pagusapan natin, dahil kung sama sama tayo sa isang layunin, kakayanin natin!

Sunday, November 24, 2013

Kasi May Running / Cycling / Street Dancing Event

Madalas, pag sabado ng gabi, madaling araw na ko umuuwi. Ayoko nang gamitin yung salitang "Gimik" kasi parang nakakatanda. Sabihin nalang natin na "I hang out with my friends" pag sabado ng gabi, at ang ending 'nun e uuwi ako ng bandang alas dos, alas tres ng madaling araw ng araw ng linggo. Kasama na sa pag-uwi na 'yun yung pag-enjoy sa mga kalsadang kadalasa'y pulang ilaw lang ang makikita mo pag oras ng kabihasnan, kaya naman ang takbuhan pag gabi e di baba sa 60-80kph, depende na kung nasan ka.

Iba rin yung saya sa Quezon Memorial Circle pag madaling araw, kasi para ka lang naglalaro, at hindi ka makikipagpatintero masyado sa mga rumaragasang bus na laging namumuwit ang jebs at pac-man ang peg sa pagkuha ng pasahero. So usually, liliko ako galing circle papasok ng Commonwealth Avenue nang nasa 60 hanggang 80 ang bilis. Kadalasan nito, may gugulat sakin na steel fences na nakatayo sa gitna ng kalsada. Syempre maluwag naman, so madali lang lumipat ng lane. 

Ito ang kultura sa Commonwealth at Quezon Memorial Circle pag linggo: fitness activities. May spill-over din yan sa U.P. Diliman Oval, at sa ilang dako pa ng Metro Manila kung saan may maluwag na lugar para maglakad, tumakbo, magbisikleta, at iba pa. Walang naidudulot na gulo masyado ang mga gawaing ito kasi maluwag naman ang Commonwealth Avenue. Walong lane magkabila, na bumubuo ng labing anim na lane at isang malapad-lapad na center island kasya pa ang dalawang lane, pati na rin ang dalawang magkabilang malalapad na bangketa (na kadalasa'y paradahan ng mga residente doon). 'Di ba't perfect ito na venue sa mga aktibidad na dinadaluhan ng maraming tao? 

Pero kaninang umaga, may naka-engkwentro akong matatalinong tao sa C5. Sa sobrang galing nila, napa-palakpak nila ako, at napahiyaw ng maraming beses. Ang galing galing kasi e. 

poster image lifted from padyak.ph
Sila ang mga organizer ng Tour of the Fireflies: isang event na nagaganap taon-taon sa nakalipas na labinlimang taon. Labing-apat na taon kong hindi nakita kung anong nangyayari sa event na ito, pero kaninang umaga, na-experience ko ng buong buo ang perwisyong idinudulot nito, kahit na isang beses lang sa isang taon. 

Baka di ko pa nasabi, wala akong kahit anong masamang tinapay laban sa mga ganitong klase ng event. Sa totoo'y pabor pa ako sa mga ganito dahil minsan sa isang linggo, buwan, o taon, nagtitipon ang malaking lupon ng mga tao para magkaisa sa iisang adhika, anuman iyon. Pero may mga limitasyon naman yata dapat ang mga event na ganito.

Papunta ako ng airport kaninang umaga para maghatid, at natural sa akin ang gawing pinaka-unang option ang C5 sa kahit anong oras ng araw basta't papunta ng airport, lalo na kung linggo ng umaga. Bakit C5? Kasi ito 'yung kalsada na kakaunti lamang ang sira, una sa lahat. Pangalawa, isa ito sa mga pinaka-deretsong daan papuntang airport mula sa norte. Bukod pa dun, mabilis. Dun pala ako nagkamali. 

Lumapag ako mula sa Ortigas-C5 flyover nang biglang tumigil ang trapiko. As in huminto at nagmistulang literal na parking lot ang C5 Pasig. Hinala ko nang may cycling event sa loob ng Tiendesitas kasi marami rami akong nakikitang siklista sa paligid mula Katipunan pa lamang. Hindi ko naisip na yung mga siklista pala e lalabas ng C5 at doon magbibisikleta. 

parking lot. actual picture.
Sa normal na araw, madali lang lusutan 'to. Pwede kang lumiko papasok ng Tiendesitas at umikot kung saan mo gusto - Oritgas Ave o Julia Vargas. Pero dahil nakahimpil ang trapik at dahil nasa loob ng Tiendesitas yung starting line nila, sarado din ang Tiendesitas kaya walang maikutan. Wala, ang nagawa lang namin ay maghintay na gumalaw ang daloy ng trapik. 

Nangyari 'yun 30 minuto ang nakalipas. 

Tatlumpung buong minuto. Isa isahin natin 'yung mga nangyari sa loob ng oras na 'yun. 

1. Umabot ang traffic hanggang Katipunan Avenue. 
Alam naman nating masikip ang C5. Apat na lane magkabila, at may panaka-nakang Uturn slot na sumasakop ng isa't kalahating lane magkabilang panig. Dagdag pa dito ang dami ng mga motoristang gumagamit ng C5 bilang primary thoroughfare mula sa kanilang mga pinanggalingan. Isama pa natin ang dalawang malalaking simbahang kadalasa'y de-kotse ang sumasamba, kaya naman gumagamit ng kalsada bilang parking lot kapag kulang na sa loob ng lote ng simbahan. Ano ulit ang sagot sa 1+1+1? 

2. May mga nahuli sa mga dapat nilang puntahan. 
Sige, medyo self-serving ito, pero totoo parin naman. Maraming dumadaaan sa C5 na papunta ng airport, galing ng Bulacan, Fairview, Marikina, Pasig, at iba pang mga lugar. Gaya ng sinabi ko sa itaas, isa ito sa mga direkta at isa sa mga pinakamabilis na ruta patungo ng airport. Kung naipit pa kami ng ekstrang sampung minuto sa gulo na iyon, hindi na nakasakay ng eroplano ang mga sakay ko at mistulang nagwaldas nalang sila ng ilang libong piso para kitain ng airline. 

3. May namatay. 
Eto hindi biro. Ilang kotse lamang sa likod ko ang layo ng isang ambulansyang nagpupumiglas sa trapik. Aligaga na kaming lahat ng drayber nang narinig namin ang sirena ng ambulansyang 'yon kasi hindi na namin alam kung pano naming pipihitin ang mga sasakyan namin para makadaan s'ya. Mukhang seryoso ang kalagayan ng nasa loob ng ambulansyang 'yun kasi hindi sya magkanda-ugaga sa pagsingit, at pagdaan niya'y ilang nurse ang nakita naming nakasakay, kasama ng isang aleng umiiyak sa loob. Sana nakunan ko ng litrato no? Baka pwedeng i-post sa Facebook page ng organizer nung event. 

4. May kalakal na nabulok. 
Siguro naman alam na din natin na ang C5 e ang natatanging daan na deretso mula NLEX hanggang SLEX, sa ngayon, hindi ba? At ang ilang aning gulay ay nagmumula sa Norte, at dinadala sa Katimugan gamit ang kalsadang ito. 'Yong order ni aling tetay sa Alabang Market na limandaang kilong romaine lettuce para sa mga salad ng mga taga Ayala Alabang, nabulok na. Pano na yung mga naka-vegan diet? O di kaya di makakain ng walang salad? Mawawalan na ng suki si aling Tetay n'yan, o kaya naman masesesante si Atey kasi di s'ya nakahana ng romaine lettuce. bukod pa sa nalugi ng ilang libong piso yung pobreng magsasaka sa Baguio na umaasa lang dito.

Sabihin mo mang maliit na bagay 'to, pero naisip mo na ba 'yung repercussion ng maliit na bagay na 'yun? 

photo of the 14th Tour of the Fireflies, lifted from unfoldandcycle.com
Kinalauna'y umandar ang trapik at naabutan ko 'yung pick-up ng MMDA na nagtatraffic habang gumagalaw. Di mo naman pwedeng bulyawan yung mga kasali sa event, kasi, for all they know, ok lang yung ginagawa nila kasi may permiso sila e. Ayun 'yung MMDA o, kumukumpas pa ng trapik. Hindi mo rin pwedeng sigawan yung enforcer, kasi hindi nya naman kasalanan na italga s'ya dun nung oras at araw na iyon. Pero nagpanting ang tenga ko sa isang kasali sa event na prentent prenteng namimisikleta sa gitna ng lane ng dapat na gumagalaw na traffic. Binaba ko ang bintana ko pagtabi ko sakanya, "hindi ba sobra sobra na?" ang tanong ko sakanya habang pinapakita sakanya yung guhit ng kalsada. 'Dun ako nakarinig ng isang babaeng "galit na galit a!" Aba teh, palit tayo pwesto, baka maintindihan mo 'yung pinag-ngangalit ko? 

Na-imagine ko na din yung gusto nilang mangyari at that point: papunta sila ng Bonifacio Global City at the very least, kaya nang nalapit ako sa kanto ng Shaw Boulevard, iniliko ko na at nag-EDSA nalang ako. 

I'm sure makakabasa ako ng mga magsasabing "e bakit kasi hindi ka nag-check muna ng social media," o kaya "in-announce naman yan a" Kailan kaya? babad ako sa social media, lalo na sa twitter. Bakit hindi ko kaya nalaman 'yung event? Kasi nga tanga ako no? Meron din namang magsasabi na "it's all for a cause," o kaya nama'y "ilang saglit na perwisyo lang naman," o di naman kaya, para gayahin ang sabi ng ating mahal na Pangulo, "But you didn't die right?" Siguro naman, sa hinaba haba ng blog na ito, alam na natin ang isasagot ko sa ganyan ano? 

Eto 'yung tweet ng MMDA nung araw na 'yun, at lumabas ito sa feed ko habang nakahinto ako sa traffic sa C5. Binalikan ko lahat ng tweet ng MMDA hanggang November 21, 2013, at ito ang kaisa-isang tweet nila tungkol sa event na ito. Sa Facebook nila, walang kahit anong related sa Tour of the Fireflies.
Pumunta rin ako sa Tour of The Fireflies na Facebook group, at napag-alaman kong simula October 31, ang tanging in-a-announce nila ay sa Tiendesitas ang starting point. Tumingin pa ko sa isang link na naka-post sa isang comment sa isang post nila, at nahanap ko ang Facebook group na "We want bicycle lanes in the PH" at nakita ang isang post, tinatanong ang mga organizer ng event na ito kung ano ang ruta ng kanilang pamimisikleta, at hindi pa nila name-media blast ang rutang ito. Kung yung iniikutan nga ng Nazareno ng Quiapo kabisado na natin, taon taon paring paulit ulit na pinapalabas sa TV kung sa'n ito dadaan, bakit itong event na ito na may potensyal na magpatigil ng daloy ng trapik e hindi?

So narealize ko, after 18 paragraphs, na wala na yung objectivity nung blog post. Oo, badtrip kasi ako, at kasi alam kong may iba pang paraan para gawin ito ng hindi makakapagdulot ng perwisyo sa mga kapwa nating gumagamit ng kalsada. So para sa mga organizer ng Tour of the Fireflies, ito ang ilang mungkahi para sa susunod ninyong adhikain:

1. Ikalat ng maaga ang lahat ng impormasyon tungkol sa event na ito.
Internet po ang buhay at ikinabubuhay ko, at ako na ang unang magsasabi sa inyo na hindi lahat ng pagpapakalat ng impormasyon ay maidadaan sa Facebook, o sa Internet. Bukod pa doon, kailangan ng maagang impormasyon lalo na kung magsasara ng kalsada, at kailangang maikalat ito sa media na maikakalat sa kalkhan ng publiko. Kung hindi maiwasan, mahirap bang magpaprint ng tarpaulin na malaki at ipaskil sa ilang bahagi ng kalsadang maaapektuhan na nagsasabing "TRAFFIC ADVISORY: Wag ka dumaan dito, may ginagawa kami."? Nakapag-organisa kayo ng event at siguradong may pondo kayo para sa marketing. Ilang registration lang ba ang bibilangin para mabawi ang pinang-print sa tarpaulin?

2. Pumili ng kalsadang hindi mapeperwisyo kahit na idaos ang inyong event. 
Gaya ng sabi ko, ayan ang Commonwealth Avenue. 16 lanes, kahit 8 dyan kunin n'yo, hindi magkakatrapik. Pag SONA nga ng Pangulo nakakadaan kami dyan ng matiwasay e, partida pa nun sarado ang buong southbound lane. 

3. Gusto niyong pumunta ng BGC mula Tiendesitas? Go lang ng go. 
Basta isang lane lang ang gagamitin niyo. 'Wag na 'wag n'yo lang pangyayarihin na humimpil ang daloy ng trapiko sa isang major arterial road. Ayaw n'yong natatrapik sa EDSA diba? Well lahat ng tao ayaw din. Maging Considerate. 

4. Kung gusto n'yo naman, isara n'yo nalang ng tuluyan yung kalsada. 
Pwede namang hinarangan n'yo nalang 'ang C5 mula sa isang kanto nito na pwedeng ikutan para maging bypass / alternate route, tulad ng Ortigas Avenue. Hindi 'yung na-trap pa yung mga tao sa isang bahagi nito na walang kahit anong opening, at 'yung nag-iisang pwedeng ikutan, e kinopo nyo din. 

5. Eto naman para sa pamunuan ng MMDA. 
Kayo ang natatanging ahensya na may hawak ng trapiko sa kabuuan ng C5, sa lahat ng bayang nadadaanan nito. Alam n'yo din ang capacity ng kalsada na ito, at alam n'yo ang nangyayari pag nagakakaron ng stand-still dito. Isa lang ang tanong ko: Pinayagan n'yo to? 

Ako pa lang 'to. Ano pa kaya kung ibulalas din ng mga nahimpil sa traffic na 'yun ang mga saloobin nila?

Mga opinyon at Mungkahi ko lang naman ito. Hindi naman kasi dapat nagiging sanhi ng trapik 'ang mga ganito, hindi ba?

--

Di ka pa ba nagsasawa sa trapik?
Wag kalimutang i-follow kami sa twitter: http://twitter.com/BakitTrapik
at i-like ang Facebook page: http://facebook.com/bakittrapik
pagusapan natin, dahil kung sama sama tayo sa isang layunin, kakayanin natin!

Wednesday, November 20, 2013

Kasi Epal Ka Mag U-turn

In the earlier days of the time of MMDA Chairman Bayani Fernando, he proposed a travel-time-decreasing solution that would re-shape how we in Metro Manila, and some other parts of the country would use roads. Take note that this scheme doesn't alleviate traffic, but make way for seamless travel.

Photo from Wikimapia.org
Case in point: Kung nakatira ka sa Bacoor, Cavite at pupunta ka ng Malabon gamit ang EDSA, ang kauna-unahang traffic light na madadaanan mo e sa Malabon na. Yung idea ng U-turn slot e tanggalin yung traffic na nabubuo dahil sa mga traffic light na ilang segundo lang ang pagpapaandar. Yung konsepto ng traffic light hindi mali, pero dahil ang Metro Manila ay naguumapaw sa mga sasakyan at kaunti lang ang kalsada nating may kakayanang magpadaaan ng ilang libong sasakyan sa bawat minuto ng araw, kinailangan ito. Swak naman talaga na solusyon ang U-turn slot sa karamihan ng mga kalsada natin, kasi tuloy tuloy ang flow ng traffic.

The Metro Manila Style U-turn scheme has taught motorists how to drive unimpeded for lengthy times of travel through the Metro. It also taught us how to properly swerve to the right from the center island to the curb of the road without meeting your, or your vehicle's doom, or causing traffic behind you after leaving a U-turn slot. That last sentence is false.

Karamihan satin gumagamit ng U-turn slot araw-araw. Ang mga bukanang ito sa gitna ng kalsada e nakakabilis o nakakabagal ng daloy ng traffic, depende nalang sa gumagamit nito. Andaming nagalit sa MMDA nung una nila itong ginawa nung early 2000s, kasi naman, nakakagulat na bagong sistema ito. Kinalaunan, nakasanayan na natin lahat ito, at kahit 'yung pumalit na hepe ng MMDA ay ni-retain ito.

So paano ka ba gumamit ng U-turn slot? May ilang uri ng nag-yu-U-turn na nabubuhay sa mundo, at ang ilan sa mga ito ay sinubukan kong i-describe:

1. The Unsure.
Ito yung parang may balak mag-park sa U-turn slot, kasi natatakot s'yang mabangga ng parating na mga sasakyan. Ok, gets naman nating lahat yun, pero within this decade sana makapag-Uturn ka na kasi yung sasakyan na nasa likod ko najejebs na. O, sige, gagalaw ka, pero pa-unti-unti. E lalo kang mababangga nyan kasi di malaman nung sasalubong sayo kung tutuloy ka o hindi. Pagka nandyan na sya, tsaka mo maiisip na "o sige na nga tutuloy na ko," ayun. Handa ka na ng pambayad sa talyer. Wala kaming panahon para panoorin kang matutong gumamit ng U-turn slot, kaya eto na si...

fig.2 The Defender
2. The Defender.
S'ya yung sasakyang makikita nyo na may kapa, at handang magbigay ng cover para sa unsure mag-Uturn. Isa s'ya dun sa mga drayber na magaling mangharass ng kasalubong para mapagbigyan, at kung isa ka dun sa mga pasalubong na sasakyan sa U-turn slot, magugulat ka nalang kasi merong sasakyang biglang nakahambalang sa lane mo. Magaling 'tong si defender, kasi dalawang side ng traffic yung kaya nyang patigilin: yung iniwanan nyang lane na biglang pumreno kasi tumiwalag s'ya sa pila, tsaka yung sinasalubong n'yang lane kasi pinahinto nya para makadaan si unsure. Ang problema nga lang, pag di gumalaw si unsure, hindi rin makakagalaw lahat.


fig.3 The Capital U
3. The Capital U.
Tayong mga Pinoy, mahilig sa do-it-yourself. Bakit ako magbabayad sa mekaniko e alam ko namang gawin yan? Sabi sakin nung kaibigan kong mekaniko ganito lang yan e. Ganun din sa pag-manufacture ng sagisag nating Jeepney. Kung ang normal na sasakyan e kayang pihitin ang unahang mga gulong ng 45 degress (hindi ito eksakto), ang Jeepney, hanggang 30 degrees lang. Ang resulta? pag liliko sila, kailangan nila ng malaking piraso ng daan, o kundi naman e kailangan nilang umatras pa bago makaliko ng tuluyan.

Ganito din ang sitwasyon ng mga bus driver, kasi hindi bus ang dala nila, kotse! Ililiko nila yung sasakyan nila na akala mo wala lang, pero nasakop na nila yung buong kalsada. Bakit 'ka n'yo? E kasi wala namang nagsabing no u-turn ang mga bus dun sa kanto na 'yun e. Kapalit n'yan, hihinto ang trapik sa buong kalsada. O, aatras pa yan kitams?

Hindi lang bus at jeep ang gumagawa nito. Meron ding mga pribadong motorista na ginagawa ito, kasi yung pupuntahan nila, sobrang lapit sa U-turn slot. Kaya tatawirin nila yung buong kalsada agad habang nag-u-turn. Sagana sa dirty finger, busina at mura ang mga gumagawa nito, pero araw araw parin nilang ginagawa. Para din silang...

fig.4 The Kaliwete
4. The Kaliwete.
Ito naman yung mga drayber na dahil nakatapat sa U-turn slot yung pupuntahan nila, aba e tatawirin na. Bakit ba, e ang mahal kaya ng gasolina para pumunta pa ko dun sa susunod na U-turn slot? Hihinto lang naman kayo nang ilang sandali para makatawid ako a?

Sila yung mga hindi nakakaintindi na ang isang apak sa preno ng nasa unahan, e paghinto ng pang-ilangdaang sasakyan sa likuran. Hindi naman sabay sabay na tatapak sa preno ang lahat ng magkakasunod. Ano sila, telepathic?

May isa pang uri ng left turner. Minsan kasi yung mga U-turn slot may concrete barrier na para hindi na mag-alangan yung mga mag-yu-uturn, atsaka para wala nang magtangkang tumawid ng deretso. Pero si left turner, hahanapin nya lang yung dulo ng barrier at biglang kakanan. Oha? batas.

Kung may left turner, meron din namang...

fig.5 The Crosser
5. The Crosser.
Eto yung drayber na nasa tapat ng U-turn slot ang pinanggalingan, at dahil hindi daw cool na pumunta sa susunod na U-turn slot, tatawirin ang kalsada para makapasok sa U-turn slot at makaalis agad. Minsan gusto kong intindihin 'yung mga ganito, kasi minsan sobrang layo o sobrang traffic dun sa susunod na U-turn. Pero kailanman hindi mo pwedeng i-justify ito, kasi lahat tayo gumagamit ng kalsada, at lahat tayo nagbabayad ng buwis. Kung pwede mong gawin 'yan, pwede ko ring gawin 'yan, at sampu ng lahat ng nagmamaneho sa Maynila. Pag ginawa nating lahat yan, aba e bakit pa tayo nag-Uturn slot? Balik nalang tayo sa traffic lights at intersections.

fig.6 The Padder
6. The Padder.
Yung mga padder yung mga hindi makapaghintay makapag-Uturn. Sila 'yung titiwalag sa pila, tapos pupunta sa unahan ng pila at ka-cuttin yung nag-u-uturn. Ok lang sana 'to kung isa lang, ang kaso mo, monkey-see-monkey-do ang peg ng mga driver sa kalsada. Bilang ka ng 5 seconds, may pangalawa nang pila sa kanan mo, at yung mga dederetso sana e kailangan pang umagaw ng lane sa kanan para lang makatagpos. 'Yun, traffic na. Kasi atat ka e. Hindi lang din sa U-turn slots nangyayari ito, pati sa mga intersection. Batikan sa gawaing ito ang mga Taxi at Jeepney, pati narin ang mga drayber ng mga pa-importanteng pulitiko at negosyante. Porke ba't Land Cruiser o Safari 'yung sasakyan n'yo e kayo dapat ang mauna?

fig.7 God
7. God.
Narinig naman na natin yung slogan ng Philippine Jeepney diba? "King of the Philippine Road". Kaya ganito din sila umasta. Kasi naghahanap-buhay sila ng marangal, kaya di mo sila pwedeng masita pag nananarantado sila sa kalsada. Ganito yan, yung mga diyos, manggagaling sa kanan ng kalsada, pupunta sa U-turn slot, at tatawid sa kabilang gutter ng kalsada. May kalokohan ang MMDA at mga LGU traffic constables dati na ang tawag ay "illegal swerving", o ang pagtawid ng ilang lane ng mabilisan. Pero 'yung mga diyos hindi nahuhuli sa ganyan, kasi yung pulis sa gilid nanonood lang, nagmemeryenda ng mani pagkatapos malagyan. 'Wag na nating i-deny 'to mga ma'am at ser sa PNP, LGUs at MMDA, nangyayari talaga 'to, at nangyayari talaga 'to sa mga magbestfriend na na enforcer at barker / dispatcher. Sakay kayo ng jeep, minsan may pet name na nga sila sa mga enforcer e, tulad nung babaeng QC-DPOS enforcer sa kanto ng Regalado-Dahlia at Commonwealth Avenue, si Babes.

At one point siguro naging isa tayo sa mga nandyan sa taas. Hindi ako magmamalinis, minsan nagiging defender ako, o kaya minsan unsure, kasi hindi naman lahat ng sirkumstansya sa daan laging ideal. Ang magagawa nalang natin e maging mas-conscious sa ginagawa natin, kasi sa ilang segundong paghinto natin sa U-turn slot, ilang minuto na ng travel time natin, at ng mga sasakyan sa likod natin ang nadadagdag. Di ka ba nagtataka kung bakit akala mo 1 minute ka lang sa U-turn slot pero ilang minuto ka nang na-late sa trabaho?

--

Di ka pa ba nagsasawa sa trapik?
Wag kalimutang i-follow kami sa twitter: http://twitter.com/BakitTrapik
at i-like ang Facebook page: http://facebook.com/bakittrapik
pagusapan natin, dahil kung sama sama tayo sa isang layunin, kakayanin natin!

Monday, November 18, 2013

Kasi Nagse-cellphone Ka.

Let's face it, no matter how strongly we feel against texting while driving, there will be circumstances when it cannot be avoided; that's one of the perks of mobility, see, you can take a phone call on your way to your meeting and know that it has been cancelled before you hit the massive parking lot that is EDSA.

But not all of us are good with multitasking, and at times, those who are proficient in texting while driving fail to uphold safety. Just a few days ago, had a fender-bender with my Boss's parked car on our office's driveway. I was backing up while texting a friend to tell her I was on the way. I was so used to that driveway being free of obstacles other than the gate that I forgot about my boss's car in there. I scratched his car, and that was the first bump I've ever had in my car that was my doing/fault. It was vaguely funny, but a scratch should never be.

So most of us who use our phones while driving are very good at justifying why we do so. "Traffic naman e, hindi naman ako babangga," or "I'm good with multitasking," or "I just really need to get this," or "I rarely do this". In the spirit of safety, we all shouldn't.

Photo lifted from http://www.towtimes.com/

There are some who even do this while driving on a fast street, say Commonwealth Avenue in Quezon City. They think their feet are human cruise controls, and that their cars have automatic lane-guiding abilities, that they leave their cars' controls and focus on text messaging, or being on their phone for something else (nowadays we really can't assume they're texting, because a lot more can be done with mobile phones these days). This usually makes them ride slightly out of the lane, and slower than they should be, and catch my ire.

In traffic jams, texting or using your mobile phone seems to be the best way out of boredom. You pick up your phone and tweet "omg it's so #traffic here at #fairview!", or instagram a photo of the tail lights of the car in front of you, or browse your facebook feed for anything funny. Most of us lose the attention, and when the pack moves, we are left behind, with the driver behind us honking furiously (this usually is me, honking at you) and flashing their lights because screw you, our line is getting left behind.

E paano naman natin iiwasan 'to?

Simple lang. Kung gusto mong magtext, lalo na kung medyo mahaba, tumabi ka muna at mag-hazard. O kaya mag-set ka ng auto-reply messages sa cellphone mo na nagsasabing nagddrive ka, kaya mas late ka makakapagtext. Pwede rin namang 'wag na munang magtext kung hindi naman kailangan talaga. Kung hindi maiintindihan nung katext mo na nagmamaneho ka, hindi rin niya maiintindihan kung bakit 2 ang sagot sa 1+1.

So, should we still do it?

As a "responsible" driver, I'm gonna say no. But I'm pretty sure I'll be doing it once in a while, when necessary, but I'll keep safety in mind of course.

So sa susunod na magtatanong ka kung bakit matrapik, tignan mo yung nasa harap mong sasakyan, baka nagse-cellphone.

--

Di ka pa ba nagsasawa sa trapik?
Wag kalimutang i-follow kami sa twitter: http://twitter.com/BakitTrapik
at i-like ang Facebook page: http://facebook.com/bakittrapik
pagusapan natin, dahil kung sama sama tayo sa isang layunin, kakayanin natin!

Saturday, November 16, 2013

So Bakit Nga Ba Trapik?

Sisimulan ko itong blog na ito na ilang buwan ko nang iniisip gawin, pero dahil masyadong busy sa ibang mga speto ng buhay, ay hindi ko manlamang naumpisahan ni katiting.

I've been driving for the past 10 years, and I've been enthused by road networks, motor vehicles, and transportation in general since I was a kid. I used to believe that when I start driving, I will be one of those "responsible" drivers who are just on the background of the flowing traffic, and never so noticeable. I was so wrong. Nobody ever is, because all of us cause traffic at one point in our lives, whether we are inside a vehicle or not.

lifted from carguide.ph

Kaya dito, paguusapan natin kung bakit trapik, at kung paano nating maiiwasan na magkakatrapik. Lahat tayo ay trapik; tayo ang bumubuo ng laman ng trapik araw-araw, tayo ang gumagawa ng dahilan ng trapik, at tayo din ang napeperwisyo dahil sa trapik. Kaya lahat din tayo nagtataka, kung patuloy nating pineperwisyo ang isa't isa, bakit patuloy parin natin itong ginagawa? Bakit may trapik?

--

Di ka pa ba nagsasawa sa trapik?
Wag kalimutang i-follow kami sa twitter: http://twitter.com/BakitTrapik
at i-like ang Facebook page: http://facebook.com/bakittrapik
pagusapan natin, dahil kung sama sama tayo sa isang layunin, kakayanin natin!