Photo from Wikimapia.org |
The Metro Manila Style U-turn scheme has taught motorists how to drive unimpeded for lengthy times of travel through the Metro. It also taught us how to properly swerve to the right from the center island to the curb of the road without meeting your, or your vehicle's doom, or causing traffic behind you after leaving a U-turn slot. That last sentence is false.
Karamihan satin gumagamit ng U-turn slot araw-araw. Ang mga bukanang ito sa gitna ng kalsada e nakakabilis o nakakabagal ng daloy ng traffic, depende nalang sa gumagamit nito. Andaming nagalit sa MMDA nung una nila itong ginawa nung early 2000s, kasi naman, nakakagulat na bagong sistema ito. Kinalaunan, nakasanayan na natin lahat ito, at kahit 'yung pumalit na hepe ng MMDA ay ni-retain ito.
So paano ka ba gumamit ng U-turn slot? May ilang uri ng nag-yu-U-turn na nabubuhay sa mundo, at ang ilan sa mga ito ay sinubukan kong i-describe:
1. The Unsure.
Ito yung parang may balak mag-park sa U-turn slot, kasi natatakot s'yang mabangga ng parating na mga sasakyan. Ok, gets naman nating lahat yun, pero within this decade sana makapag-Uturn ka na kasi yung sasakyan na nasa likod ko najejebs na. O, sige, gagalaw ka, pero pa-unti-unti. E lalo kang mababangga nyan kasi di malaman nung sasalubong sayo kung tutuloy ka o hindi. Pagka nandyan na sya, tsaka mo maiisip na "o sige na nga tutuloy na ko," ayun. Handa ka na ng pambayad sa talyer. Wala kaming panahon para panoorin kang matutong gumamit ng U-turn slot, kaya eto na si...
fig.2 The Defender |
S'ya yung sasakyang makikita nyo na may kapa, at handang magbigay ng cover para sa unsure mag-Uturn. Isa s'ya dun sa mga drayber na magaling mangharass ng kasalubong para mapagbigyan, at kung isa ka dun sa mga pasalubong na sasakyan sa U-turn slot, magugulat ka nalang kasi merong sasakyang biglang nakahambalang sa lane mo. Magaling 'tong si defender, kasi dalawang side ng traffic yung kaya nyang patigilin: yung iniwanan nyang lane na biglang pumreno kasi tumiwalag s'ya sa pila, tsaka yung sinasalubong n'yang lane kasi pinahinto nya para makadaan si unsure. Ang problema nga lang, pag di gumalaw si unsure, hindi rin makakagalaw lahat.
fig.3 The Capital U |
Tayong mga Pinoy, mahilig sa do-it-yourself. Bakit ako magbabayad sa mekaniko e alam ko namang gawin yan? Sabi sakin nung kaibigan kong mekaniko ganito lang yan e. Ganun din sa pag-manufacture ng sagisag nating Jeepney. Kung ang normal na sasakyan e kayang pihitin ang unahang mga gulong ng 45 degress (hindi ito eksakto), ang Jeepney, hanggang 30 degrees lang. Ang resulta? pag liliko sila, kailangan nila ng malaking piraso ng daan, o kundi naman e kailangan nilang umatras pa bago makaliko ng tuluyan.
Ganito din ang sitwasyon ng mga bus driver, kasi hindi bus ang dala nila, kotse! Ililiko nila yung sasakyan nila na akala mo wala lang, pero nasakop na nila yung buong kalsada. Bakit 'ka n'yo? E kasi wala namang nagsabing no u-turn ang mga bus dun sa kanto na 'yun e. Kapalit n'yan, hihinto ang trapik sa buong kalsada. O, aatras pa yan kitams?
Hindi lang bus at jeep ang gumagawa nito. Meron ding mga pribadong motorista na ginagawa ito, kasi yung pupuntahan nila, sobrang lapit sa U-turn slot. Kaya tatawirin nila yung buong kalsada agad habang nag-u-turn. Sagana sa dirty finger, busina at mura ang mga gumagawa nito, pero araw araw parin nilang ginagawa. Para din silang...
fig.4 The Kaliwete |
Ito naman yung mga drayber na dahil nakatapat sa U-turn slot yung pupuntahan nila, aba e tatawirin na. Bakit ba, e ang mahal kaya ng gasolina para pumunta pa ko dun sa susunod na U-turn slot? Hihinto lang naman kayo nang ilang sandali para makatawid ako a?
Sila yung mga hindi nakakaintindi na ang isang apak sa preno ng nasa unahan, e paghinto ng pang-ilangdaang sasakyan sa likuran. Hindi naman sabay sabay na tatapak sa preno ang lahat ng magkakasunod. Ano sila, telepathic?
May isa pang uri ng left turner. Minsan kasi yung mga U-turn slot may concrete barrier na para hindi na mag-alangan yung mga mag-yu-uturn, atsaka para wala nang magtangkang tumawid ng deretso. Pero si left turner, hahanapin nya lang yung dulo ng barrier at biglang kakanan. Oha? batas.
Kung may left turner, meron din namang...
fig.5 The Crosser |
Eto yung drayber na nasa tapat ng U-turn slot ang pinanggalingan, at dahil hindi daw cool na pumunta sa susunod na U-turn slot, tatawirin ang kalsada para makapasok sa U-turn slot at makaalis agad. Minsan gusto kong intindihin 'yung mga ganito, kasi minsan sobrang layo o sobrang traffic dun sa susunod na U-turn. Pero kailanman hindi mo pwedeng i-justify ito, kasi lahat tayo gumagamit ng kalsada, at lahat tayo nagbabayad ng buwis. Kung pwede mong gawin 'yan, pwede ko ring gawin 'yan, at sampu ng lahat ng nagmamaneho sa Maynila. Pag ginawa nating lahat yan, aba e bakit pa tayo nag-Uturn slot? Balik nalang tayo sa traffic lights at intersections.
fig.6 The Padder |
Yung mga padder yung mga hindi makapaghintay makapag-Uturn. Sila 'yung titiwalag sa pila, tapos pupunta sa unahan ng pila at ka-cuttin yung nag-u-uturn. Ok lang sana 'to kung isa lang, ang kaso mo, monkey-see-monkey-do ang peg ng mga driver sa kalsada. Bilang ka ng 5 seconds, may pangalawa nang pila sa kanan mo, at yung mga dederetso sana e kailangan pang umagaw ng lane sa kanan para lang makatagpos. 'Yun, traffic na. Kasi atat ka e. Hindi lang din sa U-turn slots nangyayari ito, pati sa mga intersection. Batikan sa gawaing ito ang mga Taxi at Jeepney, pati narin ang mga drayber ng mga pa-importanteng pulitiko at negosyante. Porke ba't Land Cruiser o Safari 'yung sasakyan n'yo e kayo dapat ang mauna?
fig.7 God |
Narinig naman na natin yung slogan ng Philippine Jeepney diba? "King of the Philippine Road". Kaya ganito din sila umasta. Kasi naghahanap-buhay sila ng marangal, kaya di mo sila pwedeng masita pag nananarantado sila sa kalsada. Ganito yan, yung mga diyos, manggagaling sa kanan ng kalsada, pupunta sa U-turn slot, at tatawid sa kabilang gutter ng kalsada. May kalokohan ang MMDA at mga LGU traffic constables dati na ang tawag ay "illegal swerving", o ang pagtawid ng ilang lane ng mabilisan. Pero 'yung mga diyos hindi nahuhuli sa ganyan, kasi yung pulis sa gilid nanonood lang, nagmemeryenda ng mani pagkatapos malagyan. 'Wag na nating i-deny 'to mga ma'am at ser sa PNP, LGUs at MMDA, nangyayari talaga 'to, at nangyayari talaga 'to sa mga magbestfriend na na enforcer at barker / dispatcher. Sakay kayo ng jeep, minsan may pet name na nga sila sa mga enforcer e, tulad nung babaeng QC-DPOS enforcer sa kanto ng Regalado-Dahlia at Commonwealth Avenue, si Babes.
At one point siguro naging isa tayo sa mga nandyan sa taas. Hindi ako magmamalinis, minsan nagiging defender ako, o kaya minsan unsure, kasi hindi naman lahat ng sirkumstansya sa daan laging ideal. Ang magagawa nalang natin e maging mas-conscious sa ginagawa natin, kasi sa ilang segundong paghinto natin sa U-turn slot, ilang minuto na ng travel time natin, at ng mga sasakyan sa likod natin ang nadadagdag. Di ka ba nagtataka kung bakit akala mo 1 minute ka lang sa U-turn slot pero ilang minuto ka nang na-late sa trabaho?
--
Di ka pa ba nagsasawa sa trapik?
Wag kalimutang i-follow kami sa twitter: http://twitter.com/BakitTrapik
at i-like ang Facebook page: http://facebook.com/bakittrapik
pagusapan natin, dahil kung sama sama tayo sa isang layunin, kakayanin natin!
No comments:
Post a Comment
BABALA / WARNING / 警告中国
Filipino: Kung magpopost ka lang ng comment na pang-SEO ng kahit anong website, ha-huntingin kita at sasagasaan. :)
English: If you're here to post any SEO related comments, I will hunt you down and run you over :)
Chinese: 如果你在这里发表任何搜索引擎优化相关的评论,我会追杀你和运行你