image from prinsezha.buzznet.com |
Paskong nagdaan tila ba kaung kailan lang
Ngayon ay pasko, dapat pasalamatan
Ngayon ay pasko, tayo ay mag awitan
Pasko! Pasko! Pasko nanamang muli. Ito yung mga araw na napupuno ng tao ang mga mall, nawawalan ng daanan sa mga palengke, at nagsasara ang Claro M. Recto paglampas ng Abad Santos kasi Divisoria season nanaman. Ito yung panahon kung kailan lalabas ka palang ng bahay, traffic na. Ito din yung panahon na tiba tiba ang mga kumpanya ng langis dahil ilang milyong litro ng gasolina at diesel din ang masusunog sa pagpapandar ng kotse ng panaka-naka nang naka-primera.
Normal na na usapan ito kapag nakaupo ka sa traffic kapag Nobyembre at Desyembre, lalo na kung weekend-- may magtatanong kung bakit trapik (uy name recall!) at may sasagot ng "magpapasko na kasi." Mahigit dalawang dekada ko nang naririnig ang ganitong usapan, at ngayong taon ko lang kinwestyon ang katotohanan ng sagot sa tanong na iyon.
E bakit pag magpapasko matrapik?
"Christmas Traffic" image from mypsalm374.blogspot.com |
1. Pag pasko lang ginagamit ng iba ang mga sasakyan nila.
So, sampung buwan sa isang taon, nakatalukbong lang yung auto nila sa garahe at hindi nila ginagamit. Ginagamit man nila, paminsan-minsan lang talaga, as in once a month. Posible ba 'to?
Malamang hinde. Kasi kung may gumagawa nyan, diskargado na ang baterya ng kotse na 'yun; kinakalawang na ang mga preno at rotor, solido na ang langis ng makina, at marami pang ibang aspetong mekanikal ang magpapasinungaling dito. Mas maigi pa atang ibinenta nalang nila 'yung auto kesa binulok ng ganoon, tapos bumili nalang ulit ng bago pag kailangan nila. Hmmm, siguro kaya...
"Toyota Vios 2010" image from bestsellingcarsblog.com |
Eto hindi mo naman maikakaila. Ilang tao din ang nag-ipon ng matagal-tagal, kung hindi hinintay ang Christmas Bonus / 13th month pay para ma-ipang-down sa bagong sasakyan. Ansaya nga naman ng kalayaan mula sa pakikipagsiksikan sa MRT, sa bus, o pagpila para makasakay ng Shuttle, diba?
SM BF Paranaque, December 1, 2013 |
Halatang halata naman na nating lahat na kahit saan ka lumingon, may SM property. SM City ganito, Hypermarket ganyan, Savemore, at kung ano ano pa. Isipin mo nalang, sa kahabaan ng Dr. A. Santos Avenue (Sucat Road) sa Paranque, may apat na malalaking SM shopping centers. Ito ang: SM City Sucat, Hypermart Lopez, Savemore, at ang bagong bukas na SM BF Paranaque. Dahil nasa topic na din tayo ng Sucat road, isama mo na din ang ilan ilan pang mga mall / shopping center na nandyan, tulad ng Virra Mall (oo, may buhay pa nyan), Liana's (oo din, may buhay pa rin nyan) Puregold, Puregold Jr., at marami pang iba. Hindi lang din sa Sucat ganyan.
Ang mga mall ang isa sa mga pinakamalaking sanhi ng trapik sa kalungsuran, at hindi ito isa sa mga bagay na pwede mong sisihin, kasi lahat tayo pumupunta dito kahit minsan sa isang taon, dahil lahat tayo may kailangan. Marami na ding mall ang nagsasa-alangalang ng trapiko kung kaya't gumagawa na din ang mga ito ng paraan para mapainam ang sitwasyon ng mga mananakay, tsuper, at ang mga motoristang gumagamit ng kalsadang nasa tapat nila. Pero dahil nga marami sa atin ang special buko pie, mapa-tsuper man o mananakay, hindi parin ito naaayos kadalasan.
Masyado kasing hassle kung papasok pa 'yung bus o jeep sa loob ng terminal, kasi sa bawat oras ng kahit anong araw, merong isang hitad na tsuper na gagawing garahe yung terminal at magtatagal dun ng mahigit sa sampung minuto. So kung papasok si manong drayber dun, mahihimpil din s'ya ng kung ganong katagal huminto yung nasa unahan. Kaya naman mamarapatin nya nalang huminto ng ilang segundo para magbaba at magsakay sa kalsada; ang problema, hindi lang sya ang nagiisip nito.
image from gelsantosrelos.typepad.com |
Ganito kasi. Tulad ng iba, meron tayong mga espesyal na tao sa buhay natin, at gusto natin silang bigyan ng thoughtful na regalo para sa pasko. Yung tipong unique (kala mo lang yun), o di naman kaya, yung alam mong gustong gusto nila pero hindi mo makikita sa suking tindahan, o sa malapit na mall. Kaya sasadyain mo yung lugar kung saan ito makukuha at babyahe.
Kabaligtaran naman niyan e yung mga nagtitipid dahil sa iba't ibang kadahilanan. San pa ba naman pupunta ang mga nagtitipid kundi sa isa sa dalawang pinakamalaking bagsakan ng mga kalakal na mura? All roads lead to Divisoria, ika nga nila, at pagdating naman sa mismong lugar na iyon (Baclaran o Divisoria) e ganito ang sitwasyon: wala nang dadaanan ang mga sasakyan dahil nasa kalsada na ang mga nagtitinda, andaming tao na hindi mo alam kung pano pang umuusad, at wala nang paparadahan ang mga sasakyang pumupunta doon, so magpapark sila sa kalsada, at ang mga sasakyang pampubliko naman ay mawawalan ng espasyo para magbaba at magsakay, so sa gitna nalang din ng kalsada gagawin iyon. Isama mo pa dyan ang mga padyak, tricycle at kuliglig na nakikigulo din sa halo ng sasakyan at tao. Iispelengin ko pa ba? Perfect formula yan para sa kaguluhan ng kalsada.
image from philippinenews.com |
Sa mga normal na kumpanya, ang 13th month pay ay pumapasok bandang kalagitnaan ng Nobyembre, o di naman kaya sa mga unang linggo ng Desyembre. Pero kung nagtatrabaho ka para sa isang hindi kalakihang kumpanya kung saan walang HR na mag-a-asikaso ng tutok sa mga ganitong bagay, nagaganap ang bigayan ng bonus kasabay ng sweldo bago magpasko. Minsan naman, sa mga kawani ng gobyerno, lalo na yung mga nasa mabababang pwesto, nadedelay ang 13th month (aba syempre, kailangan mauna yung bonus ng mga buwaya sa taas no), at naibibigay ito ilang araw nalang bago magpasko.
Dahil nahuli mong natanggap ang salaping gagamitin mo para ipakita mo sa mga mahal mo sa buhay na mahal mo nga sila at ipakita na rin na mahal mo si Hesu Kristo (konek?), magkukumahog ka ngayong mamili sa mga shopping mall o kung saan pa man. Nangyayari ito sa mas nakararaming bahagi ng ating lipunan, kung saan ang perang kailangan mo para makapag-pasko ay makukuha mo lang ilang araw nalang bago magpasko, kung kaya naman karamihan ng tao ay nasa labas isa, dalawang linggo bago magpasko.
Sanhi na din ng nahuling pagtanggap ng pera, nauubusan ka na ng options sa mga pamilihan at minsa'y pagtya-tyagaan mo na ang mga stock na napagpilian na. Pero minsan, dahil mahal mo nga kasi yung mga taong mahal mo, hindi ka papayag nito, kaya iikutin mo ang buong kalakhang Maynila para lang mahanap ang perfect na pang regalo.
image from 365greatpinoystuff.wordpress.com |
Ito ang isa mga bagay na hindi mo na maiiwasan. Dahil ang Pinoy sadyang mahilig pumarty -- magpiyesta -- kailangan may handa ka pag araw ng Pasko, at syempre, sa hatinggabi ng Pasko, ang Noche Buena. Kaya sa a-bente-cuatro ng Desyembre, halos hindi ka makahinga sa loob ng mga Supermarket at Palengke dahil sa dami ng namimili ng sariwang pagkaing ihahain nila sa mga pamilya nila. Ang a-bente-tres ng Desyembre ang pinaka-kinatatakutang araw ng lahat ng Baboy, Baka, Manok at Isda. Sa araw na ito nagsspike ang mortality nila, at dahilan para bumaba ang life expectancy nila bawat taon.
Eto ang sitwasyon natin dito sa Maynila tuwing magpapasko. Hindi ko masasabing nagsasalita ako para sa karamihan ng Pilipinas, dahil hindi ko pa nakikita ang sitwasyon sa ibang lugar pag pasko.
Usually pag ganitong panahon at nakakaranas ako ng trapik, kibit balikat nalang ako at mahaba ang pasensya ko sa lahat ng bagay na nagaganap sa daan (note: madaling uminit ang ulo ko sa kalsada). Wala ka naman na kasing magagawa tungkol dito, at isa ka lang din sa milyon-milyong residente ng lugar na ito na gustong makapagpasaya ng kapwa sa panahong dapat lahat ng tao'y masaya.
image from whydoyoueatthat.wordpress.com |
Pero sana 'wag din nating kalimutan ang tunay na ibig sabihin ng pasko. Oo, bigayan, dahil turo nga ni Hesus 'yan, pero ang puno't dulo ng lahat ng ito ay Siya, 'yung taong ipagdiriwang natin 'yung kaarawan. Hindi ito tungkol sa regalong matatanggap mo, o sa regalong ibibigay mo, o sa pag kumpleto ng simbang gabi, o kay Santa Claus, o sa putubumbong, bibingka, coca-cola, handa, o noche buena na kakanin mo.
Sana kapalit ng trapik na pagdurusahan natin sa darating na mga araw, ay maipagdiwang natin ang kaarawan ni Hesu Kristo, at ang pagkakabuo ng ating pamilya, gaya ng pagkakabuo ng kanyang pamilya noong isilang sya.
image from themasterstable.wordpress.com |
--
Di ka pa ba nagsasawa sa trapik?
Wag kalimutang i-follow kami sa twitter: http://twitter.com/BakitTrapik
at i-like ang Facebook page: http://facebook.com/bakittrapik
pagusapan natin, dahil kung sama sama tayo sa isang layunin, kakayanin natin!
No comments:
Post a Comment
BABALA / WARNING / 警告中国
Filipino: Kung magpopost ka lang ng comment na pang-SEO ng kahit anong website, ha-huntingin kita at sasagasaan. :)
English: If you're here to post any SEO related comments, I will hunt you down and run you over :)
Chinese: 如果你在这里发表任何搜索引擎优化相关的评论,我会追杀你和运行你