Good morning everyday nanaman! image from http://wn.com |
Halos lahat naman tayo'y malapit nang magsawa sa mga araw araw na kaganapan na nagdadala ng trapik sa dinadaanan natin: mga bus, jeep, FX, taxi, traysikel, motorsiklo, siklista, barker, traffic enforcer, drayber at pasahero. Nakita na nating lahat 'yan at nasisi na natin ang lahat ng dapat sisihin sa mga pangyayaring yaon. Pero bakit nga ba hindi nalang natin tirahin 'yung issue mula sa ugat nito?
Karamihan sati'y sasabihing "wala kasing disiplina e," kapag nakakakita ng mga kapulpulan sa daan, pero naisip na ba natin na walang panggagalingan ang disiplina kung hinid kaalaman? "Common sense is not so common," ika nga. So bakit di nating gawing common ang common sense?
Tutal naman kakapalit lang natin ng basic education structure ng bansa (K+12), bakit hindi pa natin isaksak sa curriculum ng Elementary ang Basic Rules of The Road? Di naman kaya'y isingit natin sa syllabus ng bawat baitang ng Sibika at Kultura (meron pa ba nito?) ang usapin tungkol sa tamang paggamit ng kalsada? Sa paningin ko, kaakibat na ng "Sibika" ang pag gamit ng kalsada sa panahong ito, at sa nakalipas na isang siglo na rin naman.
E bakit ba, may butas e! image from http://hoy-unggoy.blogspot.com |
Marahil mas makakabuti din kung sa kalagitnaan ng pag-a-aral ng isang tao'y matuto din syang magpatakbo ng sasakyan sa kalsada, para naman ma-experience ng lahat ang lahat ng aspeto ng paggamit ng kalsada. Siguro kung ganito ang mangyari, mababawasan ang mga aksidente sa mga kalsada natin.
Para alam natin 'yung side ng drayber, at side ng pedestrian image from http://usatoday.net |
Pag-gamit nga ng kompyuter itinuturo natin sa mga bata, bakit 'yung simple at araw-araw nating ginagamit na kalsada, hindi natin maituro ang pag-gamit?
--
Di ka pa ba nagsasawa sa trapik?
Wag kalimutang i-follow kami sa twitter: http://twitter.com/BakitTrapik
at i-like ang Facebook page: http://facebook.com/bakittrapik
pagusapan natin, dahil kung sama sama tayo sa isang layunin, kakayanin natin!
No comments:
Post a Comment
BABALA / WARNING / 警告中国
Filipino: Kung magpopost ka lang ng comment na pang-SEO ng kahit anong website, ha-huntingin kita at sasagasaan. :)
English: If you're here to post any SEO related comments, I will hunt you down and run you over :)
Chinese: 如果你在这里发表任何搜索引擎优化相关的评论,我会追杀你和运行你